PAPEL
Ni: Romeo Victorino
Si Jerry, isang matalino, mabait at responsableng estudyante, bago siya sa Roosevelt College, siya ay lumipat ng paaralan dahil na destino ang kanyang ama malapit sa bago niyang paaralan. madalas na sa ganitong kalagayan si Jerry. kaya biro niya sa kanyang Ina
“inay, saan naman tayo lilipat sa susunod na taon?”
“pag pasesyahan mo na anak, ganito ang trabaho ng inyong ama, pero dahil sa kanyang trabaho naman tayo ay nabubuhay.” seryosong sagot ng kanyang Inang si Carmen.
“Anu ka ba naman po inay, naiintindihan ko naman po ang lagay natin. Ayos lang po sa akin iyon, ang mahalaga po ay buo tayong pamilya.” mabilis na sagot ni jerry.
isang linggo na ang nakalipas, wala pa rin halos kakilala si Jerry, nagsisimula ang araw niya na tahimik siya sa klase at aktibong nakikinig sa turo ng kaniyang guro. At natatapos ang araw ng uuwi siya sa bahay ng magisa habang pinagmamasdan ang ibang mga kaklase na tumatambay pa sa malapit na tindahan ng mga fishballs sa paaralan. inamin ni Jerry na hirap siya sa sitwasyon niyang iyon na taun-taon ay bago ang kaniyang kakilala at tanggap din niya sa sarili niya na wala siyang permanenteng kaibigan.
Dumating ang unang pagsusulit sa Math.
May isang babaeng lumapit sa kanya. Si Bea isang maganda ngunit iresponsable at matigas ang ulo na estudyante. ngayon lang nakita ni Jerry si Bea dahil isang linggo pa lang hindi pumasok ito.
“hi, bago ka dito? baka pwede namang manghingi ng isang yellow paper?” sabi ni Bea
agad naman binigyan ni Jerry ng papel si Bea.
“ito oh, ahh oo bago pala ako dito. kalilipat lang namin dito malapit sa paaralan.”
“ahh” maikling sagot ni Bea
biglang umalis si Bea ni hindi man lamang nag pasalamat kay Jerry para sa Papel. Nagsimula na ang pagsusulit. Mabilis na natapos si Jerry. Pag bigay niya ng papel sa kaniyang guro ay bumalik siya sa kanyang upauan. natanaw niya si Bea na nangongopya sa kanyang katabi sa tindi na pati ang papel niya ay binibigay niya sa kanyang katabi at pinapasagutan. Hindi alam ni Jerry ang kaniyang gaagwin. Tinanong niya ang kaniyang sarili.
“Isusumbong ko ba si Bea? ngunit pag sinumbong ko siya ay baka magalit siya sa akin at siraan ako sa iba naming kaklase.”
Hindi sinumbong ni Jerry si Bea kahit na alam ni Jerry na mali ang ginawa ni Bea. Ngunit bumawi naman siya at kinausap niya si Bea.
“Nakita kita kaninang nangongopya sa katabi mo.”
“eh ano ngayon?” sarkastikong sagot ni Bea
“Masama ang iyong ginawa. dapat ay nag-aral ka muna bago ka kumuha ng pagsusult” sabi ni Jerry.
“tinatamad akong magaral.” sagot ni Bea.
“gusto mo ba magaral tayo tuwing breaktime natin?” alok ni Jerry
tinanggihan ni Bea ang alok ni Jerry dahil mababawasan ang oras ni Bea sa barkada.
Natapos ang unang markahan. Ibinigay na ang mga grado ng mga estudyante. Kahit bago si Jerry sa Paaralan agad niyang nakuha ang pinaka mataas na marka sa lahat ng mga estudyante. nakita niya si Bea sa isang sulok ng kwartong walang tao nasa sulok at animo’y tutulo na ang luha. Agad nilapitan ni Jerry si Bea at tinanong.
“Bakit ka magisa dito? at bakit namumugto ang iyong mga mata, umiiyak ka ba?”
agad namang punas ng luha ni Bea.
“Hindi ahh, hindi ako umiiyak.” sagot ni Bea
“umiiyak ka eh, namumula ang mga mata mo. bakit ka nga umiiyak?” tanong ni Jerry
“eh kasi, sa lahat nang subject natin, apat lang ang naipasa ko, lahat ay bagsak na. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa aking mga magulang.”
“Gusto mo tulungan kita?”
“Paano”
“Katulad nang sinabi ko sa iyo dati kung natatandaan mo pa, tuwing oras ng ating pahinga ay pupunta tayo ng library at magaaral” pahayag ni Jerry
“eh hindi ko kaya ng ganun, nakakatamad”
“Iyan ang problema, katamaran. Dapat ay hindi mo pinapairal ang ganyan sa iyong sarili.”
“o sige susubukan ko” maikling sagot ni Bea.
Nagsimula na ang pangalawang markahan.
Nagsimula na din sila Bea at Jerry sa kanilang gawain, madalas ay hindi sumisipot si Bea nagpapaalam siya kay Jerry na may pupuntahan siyang importante, pumapayag naman si Jerry dahil ang akala niya ay nagsasabi ng totoo si Bea. Ngunit noong isang araw na nagpaalam si Bea na hindi siya makakapunta dahil daw kailangan nilang pumunta sa ospital upang dumalaw sa kaniyang tita. Pumayag si Jerry dahil may rason si Bea para hindi pumunta. Paglabas ni Jerry sa gate ay agad niyang natanaw si Bea sa tindahan kasama ang kaniyang mga barkada. Nakita ni Bea si Jerry, agad tumakbo si Bea papuntaa kay Jerry.
“Jerry”
“Oh kamusta na ang iyong tita na nasa ospital? mukang okay na siya ah, kasi nakakatambay ka na kasama mga barkada mo ah.” lihim na pagalit na sagot ni Jerry
“Sori na Jerry, tinatamad lang kasi ako sa ginagawa natin eh.” sagot ni Bea.
“okay, sige wag na nating ituloy ang ginagawa natin pagaaral at tumambay ka na lang kasama ng iyong mga barkada. Para pagdating ng markahan ay hindi mo nanaman alam kung paano ka magpapaliwanag sa iyong mga magulang.” pangaral ni Jerry.
umalis na si Jerry, napagtanto ni Bea na tama si Jerry kaya sinabi niya sa kanyang sarili na magbabago na siya.
Kinabukasan ay may pagsusulit sila sa Agham.
Maagang pumasok noon si Jerry upang makapag basa pa nang kahit kaunti. limang minuto na lang bago magsimula ang klase at halos laat ng kaklase niya ay nandoon na at napansin niya na wala si Bea sa kaniyang silya. Naisip ni Jerry na nasaktan si Bea sa kanyang mga salita. dumating na ang kayang guro. nang biglang may kumalabit sa kanya at sabi.
“pahingi naman ng papel”
agad naman pumilas si Jerry ng papel upang iabot sa nanghihingi, paglingon niya ay si Bea pala ang nanghihingi ng papel. Agad naman hurap si Jerry sa harap pagbigay niya ng papel nang marinig niya ang isang bulong.
“Sorry talaga, pangako ko hindi ko na uulitin. Gusto ko sanang magkita tayo mamaya upang ako ay iyong turuan.”
hindi na sumagot si Jerry, at agad nang nagsimula na ang pagsusulit. Natapos na ang pagsusulit. at natapos na din ang klase. Naalala ni Jerry ang sabi ni Bea sa kanya kaninang umaga. Agad namang pumunta si Jerry sa Library upang tignan kung nandoon pa si Bea. Pagpunta niya nang library ay may nakita siyang isang babaeng nakatalikod at tahimik na nag babasa. Nilapitan niya ito at nakita niya na si Bea nga ito. Umupo siya sa harap nito at pinagmasdan ito. At simula noon ay nagbago na si Bea. Lagi na siyang pumupunta sa mga usapan nila ni Jerry. At nagbunga ang kaniyang pagsisikap. Nakakuha na nang matataas na marka si Bea at tuwang tuwa ang kaniyang mga magulang sa mga pangyaayaring iyon. Nalaman nang kaniyang mga magulang na dahil ang lahat kay Jerry. Napalapit na rin sa Pamilya ni Bea si Jerry. Naging mag best friends ang turingan nilang dalawa. At lahat ng mga bagay sa buhay ni Bea ay kinokonsulta niya sa kanyang mabuting kaibigan na si Jerry. Pati ang isang manliligaw ni Bea ay kinonsulta niya kay Jerry.
” Ano sa tingin mo kay mike?.”
“ikaw, nasa sayo iyan kung ano ang nilalaman ng iyong damdamin.” maikling sagot ni Jerry.
Pinakinggan naman ni Bea ang pangaral na iyon ni Jerry.
Makalipas ang isang buwan ay inamin ni Bea kay Jerry na sila na ni Mike. May naramdaman na selos si Jerry hindi niya alam kung dahil ba sa nangangamba siya na mawala na ang pagiging matalik na kaibigan nila o may pagmamahal na siyang nararamdaman dito. lumipas ang ilang buwan at naramdaman na ni Jerry ang matinding selos kayna Bea at Mike. Hindi na sila ganoon na nagkikita ni Bea tulad nang dati. Hindi na rin sila gaanong nagkakausap.
Dumating ang Pebrero, Araw nang mga puso at kanila din namang JS prom.
Nagsimula ang gabi. Hinahanap ni Bea si Jerry kahit na kasama nito si Mike dahil napansin niya na wala pa si Jerry, nagalala si Bea kay Jerry. Dalawang oras nang magsimula ay dumating si Jerry na may lungkot sa kaniyang mukha. Agad namang nakita ni Bea Jerry at napansin na malungkot nga ito. Lumapit si Bea kay Jerry.
“Bakit ka malungkot?” tanong ni Bea
“Ah, wala ito wag mo na akong pansinin, samahan mo na lang ang kasintahan mo.”
hindi na pinansin ni Bea si Jerry, lumapit na lamang ito sa kanyang kasintahan. Lumalalim na ang gabi. Malapit na matapos ang kanilang JS Prom. Nagsayaw na silang lahat, ngunit si Jerry naman ay nakaupo lamang sa kaniyang upuan at tahimik na pinagmamadan si Bea habang kasayaw niya si Mike. Nagsalita ang kanilang guro na malapit na matapos ang pagdiriwang at papatugtugin na ang huling kanta sa gabing iyon. Nag isip si Jerry kung isasayaw niya si Bea at sasabihin na niya ang nararamdaman niya, ngunit may mga bagay na bumabagabal sa kaniyang isipan na maaring mangyari.
“Kapag sinabi ko kay Bea ang nararamdaman ko ay para na rin akong nanira ng isang relasyon.” bulong ni Jerry.
Nguni naisip naman niya na.
“eh kung hindi ko naman sasabihin ang nararamdaman ko ay para na rin pinatalo ko ang pinakamamahal ko.”
Nakapag desisyon na si Jerry, sasabihin na niya kay Bea ang narramdaman niya. Wala na siyang pakialam kung siya man ay bastedin ni Bea ang mahalaga ay nasabi niya dito an nilalaman ng kaniyang puso, at para na rin hindi na tumagal ang gumugulo sa kaniyang isipan.
Pinatugtog na ang huling kanta sa gabing iyon, tumayo si Jerry sa kaniyang kinauupuan at agad na lumapit kay Bea.
“Mike, maaari ko bang ma isayaw ang aking kaibigan?” sabi ni Jerry
“oo naman tol, ikaw pa” agad namang sagot ni Mike
Nagsayaw na sila Bea at Jerry, hindi nagsasalita ang dalawa, animo’y nakikipag sayaw sa hangin. Malapit na matapos ang kanta nang biglang sabi ni Jerry.
“Mahal kita Bea, simula pa lang nung unang pagkikita natin, nung nanghingi ka sa akin ng papel ay naging interesado na ako sa iyo. Kaya kita tinutulungan ay dahil gusto kong mapalapit sa iyo.”
Natapos ang kanta, hindi nakapagsalita si Bea, kaya naman agad nang ibinalik ni Jerry si Bea kay Mike. At umalis na si Jerry, habang naglalakad ay sinabi niya sa kaniyang sarili.
“Marahil ay wala na talaga akong pag-asa kay Bea. Ni hindi man lamang siya sumagot sa aking mga sinabi.”
Biglang may tumulong luha sa mata ni Jerry. Umuwi siya sa bahay nila nang patagong lumuluha. Malungkot na si Jerry ng buong gabing iyon.
Huling markahan na nalalapit na ang pagtatapos.
Pumasok si Jerry sa kanilang silid. Nakita niya si Bea. Naramdaman niyang umiiwas ito sa kaniya kaya naman hindi na rin niya kinakausap si Bea. lumipas ang ilang linggong hindi sila nagpapansinan. Kahit sa mga gawaing pang grupo ay halata sa dalawa na nagiiwasan sila.
Isang linggo na lang bago ang kanilag huling pagsusulit sa lahat nag kanilang klase. Nagpagawa ang kailang guro sa ingles ng isang presentasyon. Hinati sa limang grupo ang kanilang klase. Nagkataon na magkasama sila Bea at Jerry sa isang grupo, at sila rin ang nabunot sa grupo na gumanap na bida. Nagpraktis ang grupo, sila Bea at Jerry ay hindi malaman kung paano gagalaw sa harap ng bawat isa.
Dumating ang araw ng kanilang presentasyon. Grupo na nila Jerry ang magpapakitang gilas sa kanilang guro. ginampanan ng bawat isa ang kanilang ginagampanan na karakter, nang malapit nang matapos ang presentasyon nila, ang ipinapapakita na ay ang ending na sasabihin na ni Jerry ang kaniyang nararamdaman sa babae.
“Mahal kita Laura.” sabi ni Jerry
ilang segundo ang lumipas, akala nang mga kagrupo nila ay nakalimutan ni Bea ang kaniyang linya ng bigla itong sumagot.
“Mahal din kita Florante.” nanginginig na sabi ni Bea
Nagulat ang lahat lalo na ang mga kagrupo nila nang biglang halikan ni Jerry si Bea. Nagpalakpakan ang buong klase at ang lahat ay kinilig kasama na rin ang kanilang guro. Hindi alam ni Jerry kung bakit niya nagawa iyon. lumapit siya kay Bea.
“Bea, paumanhin sa aking ginawa. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon.” nasgsisising sabi ni Jerry.
agad naman ng sumagot si Bea. ” wag na lang natin pagusapan iyon, isipin na lang natin na walang nangyari at isipin na lang natin na kasama sa presentasyon natin iyon kahit hindi.
Nagulumihanan si Jerry na bakit hindi man lamang nagalit sa kaniya si Bea sa kaniyang ginawa.
Dumating ang kanilang pinaka huling pagsusulit, pasado sa lahat si Jerry at nalaman din niya na pasado si Bea. Masaya siya sa narinig niyang iyon.
Araw na nang pagtatapos nila. natapos ang programa at nakuha ni Jerry ang pinaka mataas na parangal nang gabing iyon. Ang nasa isip ni Jerry ay baka lumipat na naman sila ng kanoyang pamilya sa ibang lugar at maiwanan niya dito ang kaniyang pinakamamahal na si Bea.
Nagpaalam na ang lahat ng mag-aaral sa isa’t isa, nilapitan ni Bea si Jerry at kinausap.
“Naalala mo noong JS prom natin, na ipinagtapat mo sa akin ang iyong nararamdaman. Bigla kang umalis hindi mo man lamang hinitay na magsalita ako, gusto ko sanang sabihin sa iyo ang lahat, na sinagot ko si Mike dahil gusto kong makita kung magseselos ka, nakita ko iyon at naramdaman lalo na ag mga pag iwas mo sa akin, araw nang JS prom kasama ko si mike pero ikaw ang nasa aking isipan. Sobra akong natuwa noong isinayaw mo ako noong huling kanta na, buong gabi na hinintay kita na isayaw mo ako, nangyari iyon isinayaw mo ako at sinabi mo pang mahal mo ako, ngunit alam mo ba na gusto ko din sabihin sa iyo noong mga oras na iyon na Mahal kita Jerry, ngunit tumalikod ka, at noong gabing din iyon ay sinabi ko kay Mike ang lahat, nakipag hiwalay ako nang dahil sa pagmamahal ko sa iyo. At naalala mo noong huling presentasyon natin sa Ingles, hinalikan mo ako sa labi, naramdaman ko ang pagmamahal sa halik na iyon. ngayon gusto kong malaman mo na ikaw lang ang hinihintay at nilalaman ng puso ko gay din ng sabi mo noong JS prom.” mahabang sabi ni Bea.
Tumulo naman ang mga luha ni Jerry sa mga narinig niya na iyon. Bigla na lamang niyang niyakap si Bea at bumulong.
“Mahal na mahal na mahak kita Bea, ikaw lang ang minahal ko nang ganito.”
Agad ding tumulo ang mga luha ni Bea. at bigla na lamang siyang hinalikan ni Jerry. Isang halik na nagpapakita ng totoo at wagas na pagmamahalan nang dalawang tao.
Noong gabi din naman na iyon ay opisyal na naging sila ni Bea. Masaya ang mga magulang ni Bea sa kanilang dalawa lalo pa na kilala na nila si Jerry at alam nila na hindi niya pababayaan si Bea.
Pinuntahan din naman nina Jerry ang kaniyang mga magulang. Ibinalita ni Jerry ang magandag balita sa kaniyag mga magulang. Ngunit naiisip niya rin na baka iyon na rin ang huling gabi na magkasama sila ni Bea. Nagsalita ang kaniyang ama sa kaniya.
“Anak may sasabihin ako sa iyo.”
kinakabahan na si Jerry na baka ang sasabihin ng kaniyang ama ay ang paglipat nanaman nila sa panibagong lugar.
“anak, may maganda akong balita sa iyo, hindi na tayo lilipat nang ibang lugar, dito na ako nagpadestino at pumayag ang aking mga boss sa desisyon kong iyon.”
agad na natuwa si Jerry at niyakap ang kaniyang mga magulang at sinabi.
“ma at pa ito na ang pinakamagandang regalo niyo sa akin ngayong aking pagtatapos.”
Ibinalita niya iyon kay Bea, sobrang saya nilang dalawa na hindi na lilipat sila Jerry sa ibang lugar at masaya sila na dumating ang panahon na nagkatagpo ang kanilang mga puso.
Sabay na kumuha sila Jerry at Bea ng mga Pagsusulit sa ibat ibang unibersidad sa Maynila. Parehas sila ng napasukan na paaralan. Parehas din nang kinuhang kurso. Hindi na sila napaghiwalay ng kahit na ano o sino. Naging matatag ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang masaya at mahal ang isa’t isa.
reblog by: romskie08
(Source: sadomarksochist)
mahirap pag hindi natin nakukuha ang gusto natin. kahit mag intay pa tayo ng libong taon ehh kung d naman sa atin ehh hindi talaga mapupunta sa atin yan..
all we need is to accept the truth that even you did everything.. hindi niya pa rin nakikita yun….mahirap magpakita ng worth sa bulag..yung tipong isang tao lang ang nakikita niya kapag masaya siya… but when time comes that she needed something thats the only time that she will open her eyes and see that you are there standing in front of her.. waiting for her to see your worth..
ehh bakit ba ang emo ko.. sabi nga nang iba sa akin..”madami pang iba dyan tol”.. sabi naman ng iba..”dont lose hope.. makikita niya rin ung worth mo”.. at e2 ang malupit..”makikita lang ng isang tao ang worth ng isang tao kapag wala na ito”,…
so you mean GOODBYE na sa nararamdaman?? LET GO na sa pagmamahal??MOVE ON na sa bagong chapter nang bnuhay?/ eh pano kung ganun pa din sa next chapter? sa tingin nyo ba..magkakaron parin ng ending to??
…… those dots has a representation…its up to you to decode
IT’S 7TH GRADE..
I stared at the girl next to me… She was my so called “best friend”… I stared at her… Long, silky hair… And I wished she was mine… But she didn’t notice me like that… I knew it… After class she walked up to me and asked me for the notes she had missed the day before… And I handed them to her… She said “thanks”… And gave me a kiss on the cheek… I wanted to tell her… I want her to know that I don’t want to be “just friends”… I love her but I’m too shy to tell her… And I don’t know why…
IT’S JUNIOR YEAR..
My phone rang… On the other end it was her… She was in tears… Mumbling on and on about how her love had broken her heart… She asked me to come over because she didn’t want to be alone… So I did… As I sat next to her on the sofa… I stared at her soft eyes… Wishing she was mine… After 2 hours… I Drew Barrymore movie… And 3 bags of chips… She decided to go to sleep… She looked at me.. Said “thanks” and gave me a kiss on the cheek… I wanted to tell her… I want her to know… That I don’t want to be “just friends”… I love her but I’m too shy to tell her… And I don’t know why…
IT’S SENIOR YEAR..
The day before prom… She walked to my locker… “My date is sick” she said… He’s not going to go… Well… I didn’t have a date and in 7th grade… We made a promise that if neiter of us had dates… We’d go together just as “best friends”… And so we did…
IT’S PROM NIGHT..
After everything was over with… I was standing at her front door step… I stared at her … She smiled at me… I wanted her to be mine… But she doesn’t think of me like that… And I know it… Then she said “I had the best time… Thanks!”… And she gave me a kiss on the cheek… I wanted to tell her… I wanted her to know that I don’t want to be “just friends”… I love her but I’m just too shy… And I don’t know why…
IT’S GRADUATION DAY..
A day passed… And then a week… And then a month… Before I could blink… It was graduation day… I watched her… Perfect body… Floated like an angel up on stage to get her diploma… I wanted her to be mine… But she doesn’t think of me that way… And I know it… Before everyone went home… She came to me in her smock and hat… And cried as I hugged her… Then she lifted her head from my shoulders and said “you’re my best friend”… “Thanks!”… And gave me a kiss on the cheek… I wanted to tell her.. I wanted to know that I wanted to be more than “just friends”… I love her but I’m too shy… And I don’t know why…
IT’S A FEW YEARS LATER..
Now I sit in the pews of the church… A church that she is getting married in now… I watched her say “I do” an drive off to her new life… Married to another man… I wanted her to be mine… But she didn’t see me like that… And I knew it… But before she drove away… She came to me and said “You came!… Thanks!”… And she kissed me on the cheek… I wanted to tell her… I wantd her to know that I didn’t want to be “just friends”… I love her but I’m just too shy… And I don’t know why…
YEARS PASSED..
I looked down at the coffin of a girl who used to be my “best friend”… At the service they read a diary entry she had wrote in her high school years… This is what it said… “I stare at him… Wishing he was mine… But he doesn’t notice me like that… And I know it… I wanted to tell him… I wanted him to know… That I don’t want to be “just friends”… I love him but I’m just too shy… And I don’t know why… I wish he would tell me he loved me”… I wish I did too… I thought to myself and I cried…
rest in peace my Lovegoosebumps.
»> Awwwwwww! <\3 <\3 <\3
Aw!

ai nako. :))
Yeah. :|
:|
yeahhh >.< guys don’t know how to wait
aja: haha. :>

cmil:
true :))
=))
hehe. Oo.
HOOYYYYYYY! TEKA POST KO ‘TO AH! MAY KAYE DE LOS REYES PA NGA OH! WEEEHHHH. EPALLLL!!!
so true!